Home HOME BANNER STORY MMDA nagbabala vs pekeng link sa NCAP violators

MMDA nagbabala vs pekeng link sa NCAP violators

142
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Mayo 26, laban sa mga pekeng link kung saan maaari umanong makita ng mga motorista kung sila ay may paglabag sa muling ipinatupad na No Contact Apprehension Program (NCAP).

“Ang kumakalat na link ukol sa ‘May Violation Ba?’ na nagsasabing pwede mong check online kung nahuli ka sa No Contact Apprehension Program ay hindi opisyal,” saad sa social media post ng MMDA.

“Iwasan ang pagpo-post at pag-share ng link na ito para hindi magdulot ng kalituhan. Iwasang gamitin ang website at huwag i-type ang inyong plaka rito,” dagdag pa.

Nilinaw ng MMDA na kasalukuyan pang binubuo ng ahensya ang website para sa NCAP.

Sa unang araw ng pagbabalik ng NCAP, umabot sa 582 violations ang namonitor ng ahensya.

Karamihan sa mga violation ay ang hindi pagsunod sa mga traffic signs at illegal na paggamit ng EDSA busway. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here