MANILA, Philippines- Nasa kabuuang 629 ang kumuha ng Shari’ah special bar examinations kung saan ilan sa mga examinee ay kinuha ang pagsusulit sa salitang Arabic.
Ang Shari’ah special bar examinations ay idinaos nitong May 25 at 28 sa apat na testing sites – Ateneo de Zamboanga, Ateneo de Davao, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology at sa University of the Philippines Diliman.
Simabi ni Supreme Court Associate Justice Antonio Kho, Jr., chairperson ng Shari’ah special bar examinations, gagamit sila ng software application na tutulong para mag-check sa mga examination na nakasulat sa Arabic gamit ang Arabic keyboard.
Sa 629 examinees, 92 ang kumuha ng pagsusulit sa Arabic sa digital na paraan kabilang dito ang tatlong senior citizens.
“These will be checked… translation of software application, with the guidance of our Arabic translators,” ani Kho.






