MANILA, Philippines- Pinatitiyak sa National Bureau of Investigation (NBI) ang seguridad at kaligtasan ni dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. sa pagdating nito sa Pilipinas.
Ito ay ipag-utos ni Justice Secretary Crispin Remulla kasunod ng pag-aresto at pagbiyahe kay Teves sakay ng isang chartered plane.
Si Teves ay dadalhin sa pasilidad ng NBI bilang pansamantalang detention facility o holding area ng dating mambabatas.
Agad ding isasailalim sa medical health check-up at booking process si Teves pagdating niya sa bansa mamayang gabi.
Sa mga susunod na araw, sinabi ni Remulla na sisimulan na ang judicial process o ihaharap na si Teves sa arraignment sa Korte. Jocelyn Tabangcura-Domenden