MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pitong lugar na posibleng makapagtala ng danger-level heat index na 42 degrees Celsius pataas ngayong Sabado, Nobyembre 28.
Batay sa heat index advisory ng PAGASA, kabilang sa mga lugar ang:
–Dagupan City, Pangasinan – 42°C
–Coron, Palawan – 43°C
–Puerto Princesa, Palawan – 42°C
–Cuyo, Palawan – 42°C
–Dipolog, Zamboanga del Norte – 43°C
–Zamboanga City, Zamboanga del Sur – 42°C
–Butuan City, Agusan del Norte – 42°C
Ayon sa PAGASA, maaaring makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang mga nasa lugar na may danger-level heat index, na maaari ring mauwi sa heat stroke.
Pinayuhan ang publiko na uminom ng sapat na tubig at iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw.
Samantala, naitala rin noong Biyernes ang danger-level heat index sa Coron at Cuyo sa Palawan, Dipolog City sa Zamboanga del Norte at Butuan City sa Agusan del Norte na umabot sa 42 hanggang 43 degrees Celsius. RNT/MDS