MANILA, Philippines – Isang araw bago ang pagdiriwang ng National Fisherfolk’s Day sa bansa, nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo ng mga mangingisda sa Maynila.
Panawagan ng mga fisherfolk sa pamahalaan na itigil na ang isinasagawang reclamation project na nakakasira sa kanilang kabuhayan.







