Home NATIONWIDE Babae hinabol ng putok ng baril ng maingay na ka-live-in sa Cavite

Babae hinabol ng putok ng baril ng maingay na ka-live-in sa Cavite

263
0

CAVITE CITY — Nakulong ang isang lalaki matapos arestuhin ng mga awtoridad dahil sa paghabol sa kanyang kinakasamang babae gamit ang putok ng baril, ayon sa ulat mula sa lungsod.

Nahaharap ang suspek, na taga Barangay 29-A, Caridad, Cavite City, sa kasong attempted murder at paglabag sa gun ban.

Ayon sa imbestigasyon, naitala sa CCTV ang pagtakbo ng babae habang hinahabol siya ng kanyang ka-live-in na lalaki na nagpapaputok ng baril.

Nagsimula ang insidente nang umiinom at malakas magpatugtog ng musika ang suspek. Sinaway siya ng babae na hinaan ang volume at itigil ang ingay dahil natutulog ang kanilang 8-buwang anak.

Ikinagalit ng lalaki ang pagsaway kaya kumuha siya ng baril at sinundan ang babae palabas ng bahay habang nagpapaputok ng baril. Sa kabutihang palad, hindi tinamaan ang babae.

Nakarating agad sa lugar ang mga pulis at naaresto ang suspek.

Sa kanyang depensa, sinabi ng lalaki na wala siyang intensyong saktan ang kanyang ka-live-in at tinakot lamang niya ito. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here