MANILA, Philippines – Binigyan ng Department of Transportation (DOTr) ng 60 araw ang lahat ng bus companies para ayusin at pagandahin ang kanilang mga terminal.
Ayon kay Transport Secretary Vince Dizon, sisimulan ang inspeksyon matapos ang 30 araw.
Kung hindi makakasunod sa loob ng 60 araw, posibleng ipasara ang terminal at patawan ng karagdagang parusa.
Kasunod ito ng pagsasara ng mga iligal na terminal sa Pasay City. RNT