MANILA, Philippines – Pinuri ni PNP chief Gen. Rommel Marbil ang kanyang kapalit na si Maj. Gen. Nicolas Torre III, na tinawag niyang “mas magaling sa akin,” at binigyang-diin ang husay nito sa pamumuno.
“I know he’s better than me,” ani Marbil.
Si Torre ang nanguna sa mga kasong kinasasangkutan nina Apollo Quiboloy at dating Pangulong Rodrigo Duterte, bago naging CIDG chief.
Hinikayat ni Marbil si Torre na ipagpatuloy ang mga reporma sa PNP.
Si Torre ang kauna-unahang PNP chief na nagtapos mula sa Philippine National Police Academy, Class of 1993. RNT