Home NATIONWIDE Pasok sa olang korte sa 5 lalawigan, suspendido ngayong Lunes

Pasok sa olang korte sa 5 lalawigan, suspendido ngayong Lunes

1
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang operasyon ng piling korte sa limang lalawigan ngayong Lunes, Nobyembre 23, dahil sa mga lokal na pagdiriwang at nakatakdang pagkawala ng kuryente, ayon sa Supreme Court (SC).

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Benguet, Kalinga, Cagayan, Rizal at Leyte.

Sa Judicial Region 1, walang operasyon ang lahat ng korte sa La Trinidad at Buguias, Benguet, bilang paggunita sa Benguet Day.

Sa Judicial Region 2, suspendido rin ang operasyon ng lahat ng korte sa Lubuagan at mga Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Balbalan-Pasil at Tinglayan-Tanudan sa Kalinga dahil sa power interruption.

Saklaw din ng suspensyon ang lahat ng korte sa Tabuk City at MCTC ng Pinukpuk-Rizal sa Kalinga.

Sa Cagayan, walang operasyon ang lahat ng korte sa Tuao, Municipal Trial Court (MTC) sa Rizal at MCTC ng Piat-Sto. Niño dahil din sa nakatakdang pagkawala ng kuryente.

Samantala, suspendido ang operasyon ng first-level court sa Angono, Rizal, kaugnay ng pagdiriwang ng Higantes Festival.

Wala ring pasok sa MTC ng Capoocan, Leyte, bilang paggunita sa ika-109 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan.

Pinayuhan ang mga litigant at iba pang court users na makipag-ugnayan sa kani-kanilang korte para sa karagdagang impormasyon tungkol sa rescheduling ng mga nakatakdang pagdinig. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here