Home NATIONWIDE ‘Misleading report’ ng Chinese ‘journalists’ kinastigo nina Teodoro, Brawner

‘Misleading report’ ng Chinese ‘journalists’ kinastigo nina Teodoro, Brawner

201
0

MANILA, Philippines- Kapwa kinatisgo nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang malisyoso at ‘misleading report’ mula sa sinasabing Chinese intelligence agents na nagpanggap umanong mamamahayag sa defense conference sa Singapore.

Sa isang video na ibinahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa social media, sinabi ni Teodoro na tinanong siya ng mga taong nagpanggap na mamamahayag kung ang Pilipinas ay isang proxy ng Estados Unidos sa Shangri-La Dialogue in Singapore.

“Nung ako tinanong, nakipagsagutan ako ng matagal dahil tinanong nila sa akin kung tayo daw ay proxy lang daw ng America sabi ko ‘hindi, hindi tayo proxy.’ Natural Pilipino tayo, pero sila magnanakaw ng teritoryo e ‘di nagsagutan na kami ng nag sagutan. Hindi pa nilalabas yun pero baliktarin na naman nila,” ang sinabi ni Teodoro.

Dumalo sina Teodoro at Brawner sa Shangri-La Dialogue sa Singapore, isang event na ayon sa una ay walang opisyal na delegado mula Beijing.

“Imbis na magpadala sila ng defense minister, nagpapadala sila ng mga bata na nagpapanggap na journalist na ahente ng intelligence nila na nagtatanong ng balagbag tapos binabaliktad ang video,” ayon kay Teodoro.

“Yung mga yan, hindi iyan mga journalist na iyan kaya tama lang na iniwasan ni (Chief of Staff). Ako akala ko tunay na journalist. Nakipag sagutan ako dahil Pilipino, naagrabyado ang Pilipinas, natural sasagutin ko,” dagdag niya.

Sinabi naman ni Brawner na wala siyang sinagot sa anumang tanong ng sinasabing mga mamamahayag dahil siya ay tutuloy pa sa bilateral meeting.

“Later on, naglabas sila sa WeChat, binaliktad nila ang story na umiiwas daw tayo sa mga tanong nila about West Philippine Sea at yung ang paratang nila na tayo ang iinfiltrate o tayo ang encroach, pumapasok, dun sa teritoryo nila,” ayon kay Brawner.

Ani Teodoro, muli niyang nakita ang mga tinatawag na “journalists” at kinawayan niya ang mga ito na may kasamang pagbati, “Kanina nakita ko itong mga bata na ito, kinawayan ko. ‘Hello mga agent ng MSS (Ministry of State Security)!’, hindi na lumapit. ‘Yung mga iyan hindi naman tunay na journalist.”

Sa isang social media post, araw ng ng Linggo, sinabi ng AFP na ang sinasabing mamamahayag “violated protocol” sa pagbuntot kay Brawner at “pressing for comments outside formal sessions.”

“They captured selective footage and twisted it into a misleading narrative titled “Philippine military chief dodges questions,” ang sinabi ng AFP.

“The AFP and DND remain committed to truth, professionalism, and defending the Philippines against foreign propaganda,” ang pahayag pa rin ng AFP. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here