MANILA, Philippines- Nagsagawa ng press briefing ngayong Lunes, June 2 si Senate President Chiz Escudero hinggil sa nakatakdang ni Vice President Sara Duterte.
Matatandaang ipinagpaliban ang presentasyon ng articles of impeachment
laban kay Vice President Sara Duterte mula June 2 sa June 11.
Ibinahagi ni Senate President Chiz Escudero na pwedeng tumawid sa 20th Congress ang impeachment ni Vice Pres. Sara Duterte ngunit wala pa umanong eksaktong pinagbobotohan ang plenaryo kaugnay rito. Aniya, anuman ang kanilang desisyon ay hindi pwedeng i-bind ang susunod na Kongreso at maaari umanong magkaroon ng ibang pananaw ang 20th Congress. Cesar Morales