Home NATIONWIDE Habagat magdadala ng mas maraming ulan sa Luzon

Habagat magdadala ng mas maraming ulan sa Luzon

240
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magdadala ng mas maraming pag-ulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa Luzon ngayong Martes, Hunyo 3.

Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na makararanas ng malalakas na pag-ulan ay ang Zambales at Bataan.

Maaaring magdulot ng baha at landslide ang ganitong lakas ng ulan.

Ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Central Luzon, at Batanes naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil din sa habagat.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms ang iiral sa nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa kaparehong weather system.

Localized thunderstorm naman ang magdudulot ng kaparehong lagay ng panahon sa Visayas at Mindanao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here