Home METRO Bangkay ng nawawalang estudyante natagpuan sa ilalim ng tulay

Bangkay ng nawawalang estudyante natagpuan sa ilalim ng tulay

299
0

MANILA, Philippines- Isang menor-de-edad na babae ang natagpuan sa ilalim ng tulay sa Brgy. Fatima, Dasmarinas City, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si alyas Jean, estudyante ng San Antonio D Padua, Brgy. Fatima ng nasabing lugar. Natagpuan ang katawan nitong halos naaagnas na at nangangamoy at hindi na halos makilala dahil sa durog ang mukha bunga ng tinamong sugat nito.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si alyas Christian, na may dating kaso kasong paglabag sa Alarms and Scandal, Disobedience at RA 9165.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang matagpuan ang bangkay nang maamoy ng ilang residente dito at nang natagpuan it ay hindi na makilala ang mukha nito.

Napag-alaman na unang ini-report ang biktima na ilang araw nang nawawala hanggang sa natagpuang ang bangkay nito sa nasabing lugar.

Lumabas sa ginawang pagsisisyasat ng pulisya na pinatay umano ang biktima gamit ang isang kulay pulang tela na itinali sa leeg nito.

Ayon naman sa “intimate partner” ng biktima na kinilalang si alyas Maymay, isa ring menor-de-edad, tinangka rin umano siyang patayin ng suspek.

Isinailalim sa autopsy examination at Deoxyribonucleic Acid o DNA ang biktima upang malaman ang naging sanhi ng pagkamatay nito. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here