Home NATIONWIDE Fish import deadline pinalawig ng DA

Fish import deadline pinalawig ng DA

207
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Department of Agriculture (DA) ang deadline para sa fish at seafood import permits hanggang katapusan ng Hunyo upang bigyan ng sapat na oras ang mga importer na sumunod sa bagong patakaran.

Layunin nito suportahan ang turismo, hospitality, at matugunan ang kakulangan ng suplay sa gitna ng pagtaas ng presyo ng pagkain.

Tinatayang 25% lang ng 25,000 metric tons na pinayagang i-import ang dumating dahil sa isyu ng panahon at tag-ani.

Kasama sa mga pinapayagang i-import ang salmon, cod, tuna by-products, at iba pang seafood na kulang sa lokal na suplay.

Simula Hunyo 3 hanggang Agosto, ipinatupad naman ng BFAR ang closed fishing season sa Davao Gulf para mapanatili ang mga pangunahing isda. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here