MANILA, Philippines – Makikipagtulungan ang Supreme Court (SC) sa SaferKidsPH, isang Australian government initiative, na layon maprotektahan ang mga batang Filipino laban sa online sexual abuse and exploitation (OSAEC).
Sa kanyang talumpati sa SaferKidsPH Culminating Event, inilarawan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang SaferKidsPH na tanglaw ng pag-asa sa kampanya lanan sa OSAEC.
Sinabi ni Gesmundo na patuloy na bukas ang pintuan ng SC para magkaroon ng magandang kinabikasan ang bawat batang Pinoy.
Binigyan-diin ng Mataas na Hukuman ang mga hakbang nito upang makabuo ng judicial framework para maprotektahan ang mga bata gaya ng pagtatatag ng Anti-OSAEC TriCity Justice Zone sa Cagayan de Oro City, Ozamis City at Iligan City.
“As we celebrate these achievements, we recognize that our work is far from complete,” saad sa pahayag ni Gesmundo.
Nananatili aniyang matatag Supreme Court sa mithiin nito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga stakeholder upang masiguro na ang bawat bata ay mapoprotektahan sa lahat ng aspeto.
Katuwang din sa naturang event ang Department of Social Welfare and Development, Council for the Welfare of Children at iba pang organisasyon. TERESA TAVARES