Home NATIONWIDE Rabies problema ng pet-owners – DOH

Rabies problema ng pet-owners – DOH

241
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Health (DOH) ang lahat ng pet owners na pabakunahan ang kanilang alagang hayop laban sa rabies.

Aniya, ang pagtaas ng mga nasawi dahil sa rabies ay dulot ng malaking bilang ng mga ligaw na aso sa bansa na umaabot sa 13 milyon.

Sinabi ni Herbosa na inilagay ng Anti-Rabies Act ang pagbabakuna sa mga aso at pusang gala sa ilalim ng responsibilidad ng local government unit (LGU) at Bureau of Animal Industry (BAI), habang ang kapakanan ng mga alagang hayop ay nasa ilalim ng kanilang mga may-ari.

Ayon kay Herbosa, kada taon ay ikinakampanya na pabakunahan ng mga pet owners ang kanilang mga aso.

Nilinaw din ni Herbosa na walang pagbaba sa anti-rabies vaccination para sa mga tao at hindi bumibili ng mga bakuna ang mga LGU.

Nagkaroon ng pagtaas sa mga kaso ng rabies na tinutugunan ng San Lazaro Hospital sa nakalipas na dalawang linggo, na umabot sa hindi bababa sa 2,000 mga pasyente araw-araw sa nakaraang linggo.

May kabuuang 426 na pagkamatay na may kaugnayan sa rabies ang naitala ng DOH noong 2024, na 100% ang nasawi sa mga kaso na nagpakita ng mga sintomas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here