Home METRO Chinese nasakote sa ilegal na pagbebenta ng agri products

Chinese nasakote sa ilegal na pagbebenta ng agri products

214
0

MANILA, Philippines- Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Batangas ang isang Chinese national dahil sa pagbebenta ng agricultural products na umano’y walang permit at lisensya.

Kinilala ng NBI ang banyaga na si Chen Mouzhun na naaresto sa entrapment operation na isinagawa ng mga operatiba ng NBI Batangas District Office (NBI-BatDO) noong May 27.

Sinabi ng NBI na nabigo ang banyaga na magpakita ng anumang permit at lisensya para sa pagbebenta ng mga produktong agrikultura sa undercover NBI agents.

Nasamsam sa operasyon ang 199 sako ng sibuyas at 51 sako ng bawang na may label na “imported from China.”

Sinabi rin ng NBI, na kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Section 7 ng Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Sabotage Act of 2024.

Ikinasa ng NBI ang operasyon matapos makatangap ng impormasyon kaugnay sa mga hindi kilalang indibidwal na nasasangkot sa pag-transport at pagbebenta ng ismagel na produktong agrikultura tulad ng sibuyas at bawang sa probisnya ng Batangas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here