Home NATIONWIDE DOLE: Job fair kasado sa Hunyo 12

DOLE: Job fair kasado sa Hunyo 12

248
0

MANILA, Philippines- Magdaraos ng isa pang job fair sa bansa ang Department of labor and Employment (DOLE) sa Hunyo 12, ang ika-127 anibersaryo ng Philippine Independence.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, isinasapinal ang pagdadausan ng mga job fair tulad ng venue at sites.

Noong May 1 o Labor Day ay nagsagawa na rin ng job fair ang DOLE.

Sa datos mula sa Bureau of Local Employment, ipinakikita na 5,780 aplikante ang hired on the spots (HOTS) sa 71 job fair sites na itinakda sa buong bansa.

Ayon sa ahensya, ang bilang ay kumakatawan sa HOTS placement rate na 15.07 percent kung saan nalampasan ang 11.10 percent noong nakalipas na taon.

Samantala, para sa wage increase partikular sa National Capital region, sinabi ni Laguesma na ang kautusan ay maaaring ilabas sa Hulyo kung saan anibersaryo ng huling wage order. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here