Manila, Philippines- Single pa rin hanggang ngayon ang Kapuso actress na si Barbie Forteza matapos silang maghiwalay ng kanyang ex-boyfriend na si Jak Roberto.
Ayon kay Barbie, wala pa raw nagpaparamdam o nanliligaw sa kanya ngayon.
Biro pa niya, multo lang daw ang nagpaparamdam sa kanya.
Hind naman daw siya strict about pagpapaligaw.
Kung may magpaparamdam o manliligaw daw sa kanya ay wala namang problema. Na ang ibig niyang sabihin ay ie-entertain niya.
So, handa na palang magpaligaw si Barbie, di ba?
Kung wala pang bagong boyfriend si Barbie, may bago naman siyang serye sa Kapuso network.
Talagang hindi siya nababakante sa work dahil kapag natapos na ang isa niyang proyekto ay meron agad itong kasunod.
Kaya naman feeling blessed and feeling grateful lagi ang dalaga.
Busy ngayon si Barbie sa bago niyang GMA series, ang “Beauty Empire,” kasama sina Kyline Alcantara, Ruffa Gutierrez, Gloria Diaz at iba pang Kapuso stars. Rommel Placente