Valenzuela City — Patay ang isang 35-anyos na babae matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad sa Bautista Street, Barangay Marulas, bandang alas-7 ng gabi noong Huwebes, Hunyo 12.
Ayon sa mga saksi, tatlong putok ng baril ang narinig bago bumagsak ang biktima, na tinamaan sa ulo at katawan.







