Home METRO Bebot tigok sa ‘onsehan’ sa Valenzuela

Bebot tigok sa ‘onsehan’ sa Valenzuela

268
0

Valenzuela City — Patay ang isang 35-anyos na babae matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad sa Bautista Street, Barangay Marulas, bandang alas-7 ng gabi noong Huwebes, Hunyo 12.

Ayon sa mga saksi, tatlong putok ng baril ang narinig bago bumagsak ang biktima, na tinamaan sa ulo at katawan.

Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Sa isinagawang imbestigasyon, lumutang ang anggulong may kinalaman sa droga ang pamamaslang. Napag-alamang may ilang ulit nang nai-blotter sa barangay ang biktima dahil sa reklamong pagnanakaw at umano’y pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Valenzuela City Police upang matukoy ang mga salarin at ang tunay na motibo sa likod ng pamamaril. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here