SAN MARCELINO, Zambales — Higit sa P5M halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga ahente ng PDEA sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Linasin, Huwebes ng Araw ng Kalayaan.
Ayon kay Brig. Gen. Jean Fajardo, PRO-3, tinatayang 755 gramo ng shabu ang nakumpiska mula sa isang high-value target na ngayon ay nasa kustodiya ng San Marcelino Police.
“This significant drug bust is a crucial step in curbing the spread of addiction and crime in our region,” ani Fajardo.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. /Mary Anne Sapico