Home METRO Magdyowa, timbog sa buy-bust ops sa Ilocos Sur

Magdyowa, timbog sa buy-bust ops sa Ilocos Sur

186
0

ILOCOS SUR- Swak sa kulungan isang 35-anyos na lalaki at 32-anyos na dyowa nito matapos silang maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan ng Ilocos Sur nitong Biyernes.

Ayon sa Sta. Maria PNP, ang suspek na lalaki ay high value individual (HVI), Regional PriorityTarget under ISPDEU COPLAN ‘KWAROG”, residente ng Sta. Maria, Ilocos Sur samantalang ang suspek na babai ay isa naman Street-Level Individual (SLI), residente ng Narvacan, Ilocos Sur.

Ikinasa ang buy-bust operation bandang 8:30 ng gabi na tumagal hanggang 10:50 ng gabi.

Ang operating units ay binubuo ng ISPDEU (lead unit), ISPIU, PDEA ISPO, 1st ISPMFC at Sta. Maria MPS.

Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga awtoridad ng tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tumitimbang ng umigit-kumulang sa tatlong gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P20,400 ang narekober na hinihinalang shabu.

Bukod sa hinihinalang shabu, may mga nakumpiska rin na non-drug evidence tulad ng: isang piraso ng genuine na P500 (buy-bust money); tatlong piraso ng photocopy na P500 (boodle money); isang empty plastic sachet; at isang improvised scoop.

Ginawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya doon mismo sa lugar, sa harap ng mga mandatory witnesses at ng suspek. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here