Home NATIONWIDE Binatilyo patay sa rabies, aso kinatay at kinain ng 30

Binatilyo patay sa rabies, aso kinatay at kinain ng 30

232
0

DAVAO CITY-PATAY ang isang binatilyo matapos magpositibo sa rabies makaraan makagat ito ng aso isang linggo na ang nakalipas sa Davao del Sur.

Ayon sa Municipal Health Office ng Magsaysay, binawian ng buhay noong Hunyo 10, ang 14-anyos na binatilyo dahil kumalat na sa buong katawan nito ang rabies dahil hindi ito agad ito nadala sa health center.

Base sa ulat, nakitaan na ng sintomas ng rabies ang biktima gaya ng pamamanhid, takot sa tubig, at pagiging balisa. Isinugod siya sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

Habang 30 iba pa ang nabakunahan matapos umano nilang kainin ang karne ng asong pinaniniwalaang may rabies sa Barangay Tacul, Magsaysay, Davao del Sur.

Lumabas sa imbestigasyon na kinatay at niluto ng ilang residente ang asong kinagat ang biktima. Aabot sa 30 katao ang kumain ng karne ng aso at agad na isinailalim sa post-exposure prophylaxis vaccination upang makaiwas sa impeksyon.

Patuloy ang paalala ng health authorities na huwag basta-basta pumatay o kumain ng karne ng mga hayop na may sintomas ng rabies.

Nagpapatuloy din ang monitoring ng Rural Health Unit sa iba pang nakasalamuha ng aso. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here