Home OPINION GIYERA: ISRAEL VS IRAN; SENATE VS HOUSE

GIYERA: ISRAEL VS IRAN; SENATE VS HOUSE

402
0

SA nangyayaring digmaan ngayon sa pagitan ng mga bansang Israel at Iran, pihadong yari ang ating bansa sa usaping pang-ekonomiya.

Unang-unang apektado sa giyerang ‘yan ay ang ating mga kababayang nagtatrabaho sa MIddle East.

May higit 2 milyong overseas Filipino workers ang tiyak na mapauuwi nang wala sa oras kapag kumalat sa ME ang nasabing digmaan na mauuwi sa kanilang pagkagutom, gayundin ng kanilang umaasang mga pamilya, dahil mawawalan sila ng trabaho.

Apektado syempre maging ang ating ekonomiya. Malaking halaga ang mawawalang remittance mula sa OFWs na alam nating isa sa bumubuhay sa ating bansa.

At dahil din sa giyera sa Gitnang Silangan, tiyak na maaapektuhan ang suplay ng mga produktong petrolyo. Asahang magtataas ang presyo ng mga gasolina at krudo.

Siguradong kapag nangyari ito, magtaas ang halaga ng mga pangunahing bilihin. Maraming negosyanteng paniguradong magsasamantala sa kanilang mga negosyo.

Jusko lord, kayo na po ang bahala sa amin.

@@@@@@@@

Malaking problema rin natin ang nangyayaring giyera sa pagitan ng ating mga senador at mga kongresista.

Hindi sila makapokus sa kanilang tunay na trabaho, ang gumawa ng mga batas na magiging malaking pakinabang ng taumbayan, dahil inuuna nila ang pamumulitika para sa kanilang pansariling interes.

Maraming pondong bayan ang nasasayang dahil sa kanilang mga kabulastugan, lalo na sa Kamara de Representantes.

Mantakin n’yo, magpapasukan na naman ang mga bata sa eskwela pero kulang pa pala ng mga class room.

Ayon sa Department of Education, ngayong school year, ay kukulangin sa 160 libong silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa papasok na mahigit 27 milyong mag-aaral.

Maraming paaralan at silid-aralan ang giba-giba at luma na. Sapagkat ang iba, lalo sa mga probinsya, ay ginawang evacuation center sa tuwing may kalamidad.

Sinabi ng DepEd na kulang ang kanilang pondo para sa pagpapagawa ng mga bagong class room.

Nasaan ba ang pera? Inuna kasi ng mga mambabatas ang pangungulimbat para sa kanilang mga kapritso. Inuna ang pagkuha sa pondo para kuno sa pamimigay ng ayuda pero ‘yun pala ay dumiretso sa kanilang mga bulsa.

Inuna ang paggawa ng kalsada, mga tulay, flood control pero pagkaraan ng ilang buwan ay wasak-wasak na. Sa ibang lugar, maswerte kung may makita kang maayos na kalsada at tulay. ‘King na n’yan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here