Home NATIONWIDE Pagpapapayat gawing lifestyle, ‘wag ikonsiderang obligasyon – Torre

Pagpapapayat gawing lifestyle, ‘wag ikonsiderang obligasyon – Torre

986
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III ang mga pulis na gawing lifestyle ang regular na pag-eehersisyo sa halip na obligasyon sa muling paglulunsad ng programang “Pulisteniks” sa Camp Crame.

Aniya, kapag malusog ang katawan, malinaw ang isipan, matatag ang loob, at mabilis ang kilos—mahalaga para sa mahusay na pagtupad sa tungkulin.

“Let us not treat this as an obligation. Gawin po nating bahagi ng ating lifestyle bilang pulis ang pagiging malusog. Kasi kapag malusog ang katawan, malinaw ang isipan, matatag ang loob, at mabilis ang kilos,” ani Torre.

Bahagi ito ng wellness campaign ng PNP upang palakasin ang pisikal na kalusugan bilang pundasyon ng mahusay na operasyon.

Magsasagawa ng physical conditioning tuwing Martes at Huwebes ang lahat ng yunit ng PNP para isulong ang kultura ng kalusugan at katatagan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here