MANILA, Philippines – Nagtayo na ng sariling online scam modus ang mga Pilipinong natuto umano sa iligal na POGO, ayon sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).
Sa isang forum, sinabi ni PNP-ACG Director Brig. Gen. Bernard Yang na marami sa mga naarestong scammer ay dating empleyado ng POGO.
“Sa ngayon, medyo hindi na natin puwedeng masabi naka-link pa ito sa POGO. Natuto na ‘yong ating mga kababayan. Nagsarili na sila. Kung titignan natin, based on our statistics, kumbaga noon siguro nagta-trabaho sila doon, pero no’ng nagsara, natuto na sila, nagsarili na sila,” ani Yang.
Bagama’t walang eksaktong bilang ng Pilipinong nahuli, pitong dayuhan ang kabilang sa mga naaresto.
Simula nang ipagbawal ni Pangulong Marcos ang POGOs noong nakaraang taon, 608 katao ang naaresto sa cybercrimes, at 116 sa kanila ang nahatulan. Santi Celario