Home METRO P13M cash aid, natanggap ng 647 pamilyang binagyo sa Bicol

P13M cash aid, natanggap ng 647 pamilyang binagyo sa Bicol

4
0

LEGAZPI CITY — Umabot sa 647 pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo sa Bicol Region ang nakatanggap ng mahigit P13 milyong cash assistance mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa pagkukumpuni at muling pagpapatayo ng kanilang mga bahay.

Ayon kay DHSUD-Bicol spokesperson Karen Punzalan, inilaan ang pondo sa ilalim ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program.

Tumanggap ng tig-P30,000 ang mga pamilyang lubusang nasira ang bahay habang tig-P10,000 naman ang mga may bahagyang pinsala sa kanilang tahanan.

Kabilang sa mga benepisyaryo si Joselito Esteban Jr. ng San Jose, Pili, Camarines Sur, na nagsabing malaking tulong ang ayuda sa kanilang muling pagbangon matapos manalasa ang Severe Tropical Storm Kristine.

“I have two children. This is a great help to our family as we begin rebuilding our home. Thank you very much,” ani Esteban.

Nagpasalamat din si 66-anyos na Leony Lucena ng Goa, Camarines Sur sa natanggap na tulong.

“I am happy because I did not expect this assistance, but it came, and I am very grateful for it. This is a big help, especially since my house is still damaged. I will use it to buy an iron roof,” aniya.

Ayon naman kay Janito Bobis ng Goa, magagamit nila ang ayuda para sa pagkukumpuni ng bahay at sa gastusin ng kanyang dalawang anak na nag-aaral.

“I have two children. I am very thankful to DHSUD because we now have additional funds for repairing our house. Part (of this) will help cover school-related expenses, including uniforms,” sabi ni Bobis.

Samantala, sinabi ni Eden Andres ng Anayan, Pili na magagamit nila ang tulong upang maayos ang kanilang bahay na nasira sa sunog.

“Whatever remains will be used for our small store,” aniya.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa mga bayan ng Pili, Goa at Canaman sa Camarines Sur, at Rapu-Rapu at Libon sa Albay. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here