MANILA, Philippines – Patay ang isang tatlong araw na sanggol matapos maipit sa kadena at gulong ng motorsiklo sa Tagkawayan, Quezon nitong Miyerkules.
Base sa ulat, pauwi na sana sa Del Gallego, Camarines Sur ang sanggol mula sa ospital nang mangyari ang trahedya.
Sakay ng motorsiklo ang ina ng sanggol na may hawak sa sanggol na nakabalot sa kumot, habang ang motorsiklo ay minamaneho ng kanyang live-in partner.
Habang nasa biyahe, hindi nila napansin na lumaylay ang kumot at sumabit sa kadena. Kasama ang sanggol na nahila at naipit sa gulong.
Humingi ng tulong ang mag-partner pero hindi naagapan ang sanggol na idineklarang dead on arrival sa ospital. RNT