Home HOME BANNER STORY Pagiging saksi sa VP Sara impeachment complaint, itinanggi ni Tiangco

Pagiging saksi sa VP Sara impeachment complaint, itinanggi ni Tiangco

335
0
Alyansa campaign manager Navotas Rep. Toby Tiangco: “We respect her (Sen. Imee Marcos) decision and wish her luck.”

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Navotas Rep. Toby Tiangco na siya ay tinapik bilang saksi ng kampo ni Vice President Sara Duterte para sa nalalapit na impeachment trial nito.

Lumutang ang pangalan ni Tiangco sa isang press conference nitong Biyernes bilang posibleng witness ng defense team sa impeachment trial.

Si Tiangco, na naging campaign manager ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas noong Mayo, ay nauna nang namuna sa impeachment, at sinabing naapektuhan nito ang kanilang kampanya.

Sinabi niya na naibenta ang political capital ni Pangulong Marcos sa proseso at inakusahan ang ilang kongresista na pumirma sa reklamo para makakuha ng pondo.

May 215 na mambabatas ang pumirma sa impeachment complaint noong Pebrero, pero hindi lumagda rito si Tiangco.

Inakusahan ni VP Duterte ang ilang kongresista ng pagtanggap ng pera para pumirma, na itinanggi ng mga ito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here