Home NATIONWIDE Alpha member: Artistang babae idinawit sa ‘missing sabungeros’

Alpha member: Artistang babae idinawit sa ‘missing sabungeros’

286
0

MANILA, Philippines – Isang “female celebrity” ang tinukoy bilang “alpha member” ng grupong sangkot sa pagdukot sa 34 na sabungero, ayon sa suspek na si “Totoy,” isang security guard sa sabungan sa Maynila.

Sinabi niya na dumadalo ito sa mga pulong at may malaking kaalaman sa kaso.

Nauna nang sinabi  ni Totoy na itinapon na sa Taal Lake ang mga nadukot na sabungero.

Giit pa niya na sobrang maimpluwensya ang mastermind dito at kayang impluwensyahan ang hudikatura.

Sinabi ng Philippine National Police na iimbestigahan ang mga alegasyon, kabilang ang posibleng sangkot na pulis.

Balak makipagpulong si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay Chief Justice Alexander Gesmundo kaugnay ng kaso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here