MANILA, Philippines – Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang kamakailang pagpatay sa dalawang transgender.
Kinilala ang mga biktima na sina Ali Macalintal sa General Santos City at Gian Mina sa Cagayan River.
Si Macalintal, dating broadcaster at human rights advocate, ay binaril noong Hunyo 23 at namatay pagdating sa ospital.
Natagpuan naman ang bangkay ni Mina sa parehong araw at iniimbestigahan ng mga awtoridad.
“These killings, marked by cruelty and impunity, reflect a disturbing pattern of transfemicide — the gender-based killing of transgender women — driven by misogyny, transphobia, and the systemic belief that their lives are disposable. It is imperative that our society name this violence for what it is,” ayon sa CHR.
Binanggit ng CHR ang nakakabahalang pattern ng transfemicide na dulot ng misogyny at transphobia, kasama na ang iba pang kaso ng pagpatay sa transgender ngayong taon.
Nanawagan ang CHR na agarang ipasa ang SOGIESC Equality Bill at Comprehensive Anti-Discrimination Bill para protektahan ang karapatan ng LGBTQIA at wakasan ang diskriminasyon. Santi Celario