Home METRO 3 lalaki, huli sa pagnanakaw ng krudo sa Cagayan

3 lalaki, huli sa pagnanakaw ng krudo sa Cagayan

2
0

CAGAYAN, Philippines – Tatlong lalaki ang nahuli matapos masangkot sa pagnanakaw ng krudo at nakuhanan pa ng mga baril, gamit sa pagsasala ng langis, at hinihinalang shabu sa Brgy. Libag Norte, Tuguegarao City.

Na-monitor sa CCTV ng Tuguegarao Command Center ang isang puting Hi-Ace van na umano’y konektado sa serye ng pagnanakaw ng krudo sa lungsod. Nang makarating sa Maharlika Highway, isa sa mga sakay ang pumasok sa isang compound kaya agad rumesponde ang mga pulis at nagpadala ng SWAT, na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek na pawang mga residente ng Tabuk City, Kalinga.

Nasamsam sa operasyon ang dalawang improvised .22 kalibreng baril, 12 bala, limang sachet ng hinihinalang shabu, 11 galon na walang laman, mga hose na hinihinalang gamit sa pagsipsip ng krudo, at plaka ng sasakyan.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong attempted theft, paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa posibleng mga kasabwat. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here