Home METRO PDEA: P3.77B tobats, nasamsam sa 100 araw

PDEA: P3.77B tobats, nasamsam sa 100 araw

305
0

MANILA, Philippines – Nasa P3.77 bilyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa mahigit 1,100 anti-illegal drugs operations mula Pebrero 5 hanggang Mayo 5, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa nasabing panahon, sinabi ng PDEA na 1,521 drug personalities ang nahuli, kabilang ang 737 high-value targets (HVTs) habang 16,050 drug cases naman ang isinampa.

Sinabi nitong may kabuuang 7,420 na kaso ang humantong sa paghatol at resolusyon ng 9,956 iba pa. Sa parehong panahon, ibinunyag ng PDEA na 1,356 na drug prevention lecture ang isinagawa sa harap ng 83,156 audience bilang bahagi ng kampanya ng ahensya para tugunan ang problema sa droga.

Sa mga kontribusyon ng PDEA Deputized Anti-Money Laundering Council Investigators (DAFIs), matagumpay na nakaalis ang Pilipinas sa Financial Action Task Force (FATF) Gray List matapos tugunan ang mga kakulangan sa money laundering at counter terrorism na nagpalakas sa katayuan ng bansa sa global, financial and investment market.

Nasa 379 na drug offenders din ang nakakumpleto sa reformation process at naging “law-abiding and productive citizens” sa ilalim ng pagtugis ng PDEA na repormahin ang mga drug offenders at rehabilitate ang mga taong gumagamit ng droga (PWUDs).

May kabuuang 234 na PWUD at kanilang mga pamilya ang tinulungan din ng PDEA Regional Public Assistance Desks para sa maayos na proseso ng rehabilitasyon. Bukod pa dito, 45 barangay ang idineklarang cleared sa ilegal na droga, at 31 barangay ang napanatili ang kanilang status bilang drug-cleared.

Ang mga nagawang ito ay naitala sa unang 100 araw sa panunungkulan ni PDEA Director General Isagani Nerez.

“His leadership acumen encompasses a solid blend of commitment, relentlessness, compassion and sustainability by implementing anti-drug initiatives that are centered towards the preservation of health, life and rights of all members of society,’’ ayon sa PDEA. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here