Home METRO Ambuklao Dam nagpakawala ng tubig

Ambuklao Dam nagpakawala ng tubig

232
0

MANILA, Philippines – Binuksan ang isang gate ng Ambuklao Dam sa Benguet nitong Sabado ng umaga upang magpakawala ng tubig, ayon sa datos ng PAGASA-Flood Forecasting and Warning Section.

Dakong alas-8 ng umaga, bukas ang isang gate ng dam sa 0.3 metro.

Ang reservoir water level ay nasa 751.61 metro—malapit sa spilling level na 752 metro, ngunit bahagyang mas mababa kaysa sa 751.73 metro kahapon.

Ayon sa PAGASA, inaasahang magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan ang Southwest Monsoon (Habagat) ngayong Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here