Home NATIONWIDE 2 arestado ng NBI sa pangingikil sa negosyante sa Caloocan

2 arestado ng NBI sa pangingikil sa negosyante sa Caloocan

261
0
Iniharap ni NBI Director Jaime Santiago ang mag-asawa na dinampot ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pangingikil sa isang negosyante sa Caloocan City.Ang kaso ay nagmula sa reklamo ng isang negosyanteng Pilipino na nag-ulat sa NBI-OTCD, na binanggit ang mga taong pagbabanta mula sa isang indibidwal na nagpapakilala bilang "Ka Ferdie," na umano'y kaanib sa NPA. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Dalawang indibidwal ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagkakasangkot sa mga kasong extortion, sim fraud, money laundering at financing of terrorism.

Ayon sa NBI, mag-asawa ang naarestong mga suspek na sina Christopher at Maria Elena Capitulo sa Dagat-dagatan, Caloocan City.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng isang Pilipinong negosyante na dumulog sa NBI – Origanized and Transnational Crime Division dahil sa ilang taong pagbabanta mula sa indibidwal na nagpapakilala bilang ‘Ka Ferdie.’

Sinasabing may koneksyon at ugnayan rin daw itong kinilalang si ‘Ka Freddie’ sa NPA o New People’s Army.

Kinikilan umano ang mga biktima simula taong 2018 pati pamilya nito at naghahangad pa ng taunang kabayaran para lamang sa kanilang proteksyon o seguridad.

Nakapagdeposito umano ng higit dalawa’t kalahating-milyon piso sa isang bank account kasunod ng mga natanggap na pagbabanta gamit ang isang cellphone number.

Matapos ang imbestigasyon at isinagawang pagbeberipika, natunton ng NBI ang dalawang suspek sa pamamagitan ng pag-trace sa number na ginamit sa pangingikil.

Agad na ikinasa ang entrapment operation ng NBI para maaresto ang mag-asawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here