MANILA, Philippines – Naghain ng dalawang linggong medical leave si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. mula Hulyo 9 hanggang 23, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Ito ay dahil sasailalim ang kalihim sa isang medikal na procedure, na hindi isinapubliko ang detalye.
Napag-alaman na dati na itong nakakasa pero ipinagpaliban nang maupo siya sa puwesto noong Nobyembre 2023.
Sa kabila nito, tiniyak ni Tiu Laurel na magpapatuloy ang kaniyang pagbabantay sa mga programa ng DA kahit nasa ibang bansa.
Target niyang makabalik ng bansa sa Hulyo 24, bago ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Si Undersecretary Roger Navarro ang itatalaga bilang officer-in-charge habang wala ang kalihim. Santi Celario