MANILA, Philippines – Nasunog ang isang commercial building sa Governor Pascual Avenue, Malabon City nitong Miyerkules ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection-NCR (BFP-NCR).
Apektado sa insidente ang Metropolitan Trial Court ng Malabon.
Nagsimula ang sunog alas-6:36 ng umaga, umabot sa third alarm pagsapit ng alas-7:00, idineklarang under control alas-7:52, at tuluyang naapula alas-8:10 ng umaga.
Agad rumesponde ang mga fire truck at ambulansya sa lugar. RNT