Home NATIONWIDE ₱30.29-B droga nasamsam ng PDEA sa unang kalahati ng 2025

₱30.29-B droga nasamsam ng PDEA sa unang kalahati ng 2025

286
0

Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakapagsamsam sila ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱30.29 bilyon mula Enero hanggang Hunyo 2025, kabilang ang 4.3 toneladang shabu, mas mataas kumpara sa 1.7 tonelada noong nakaraang taon.

“Medyo malaki iyong confiscation natin kasi ngayon when it comes to seizures of shabu. Bakit po malaki, kung maalala po natin iyong floating shabu, that’s around 1.3 tons, iyong na-confiscate din po natin sa isang fishing vessels, that’s around 1.4 tons, so medyo malaki. If you are going to compare this with last year, iyong sa shabu pa lang po that’s 4.3 tons na ang na-confiscate po natin ngayong taon compared po natin iyong sa last year, that’s around 1.7 lang,” ani PDEA spokesperson Joseph Frederick Calulut sa isang interbyu.

Nagsagawa ang PDEA ng halos 20,000 anti-drug operations sa Luzon, Visayas, at Mindanao, naarestong 26,051 suspek kabilang ang 1,551 high-value targets at 27 banyagang nationals, karamihan ay mga Tsino.

Mula sa 24,869 naihain na kaso, 14,671 ang naresolba at 11,397 ang nakonsensya. Sa unang anim na buwan ng taon, 4,027 barangay ang idineklarang drug-cleared, kaya’t umabot na sa 29,436 barangay mula 2017.

Nakapagtayo ang administrasyon ng 608 Balay Silangan Reformation Centers para sa rehabilitasyon ng mga dating adik at nahuli sa droga, na may 9,791 graduates at higit 2,700 ang nagkaroon ng trabaho. Hinihikayat ng PDEA ang publiko na i-report ang mga iligal na aktibidad sa kanilang official channels. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here