MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na posibleng kasuhan ang hanggang 100 indibidwal mula sa 20 kumpanyang sangkot sa agricultural smuggling sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang mga presidente ng mga kumpanya ang pangunahing may sala at umaasa siyang may mahuhuling suspek bago matapos ang taon.
Kasama sa posibleng reklamo ang paglabag sa Food Safety Act, Customs Modernization and Tariff Act, at Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Karamihan sa mga smuggled na produkto ay nagmumula sa China, lalo na sa port ng Xiamen.
Inaalam ng DA ang posibilidad ng kooperasyon sa gobyerno ng China upang solusyonan ang problema. RNT