Home NATIONWIDE Parak, tigok sa sariling baril

Parak, tigok sa sariling baril

178
0

CEBU CITY — Nasawi ang isang pulis matapos aksidenteng mabaril ang sarili habang ito ay kanyang hinuhugot mula sa pagkakasuksok sa suot nitong pantalon sa lungsod na ito.

Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang biktimang si Police Corporal Edmund Danieles Agustin, 33, nakatalaga sa Provincial Investigation and Detective Management Unit ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) at residente ng Sitio Ukban, Barangay Buhisan, Cebu City.

Ayon kay Police Lt. Col. Maria Theresa Macatangay, Deputy City Director for Operation ng Cebu City Police Office, bandang 8:00 a.m. naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, hinugot ng biktima ang kanyang 9mm pistol na service firearm na nakasukbit sa loob ng kanyang suot na pantalon sa harapang bahagi ng kanyang katawan.

Dito, bigla na lamang pumutok ang baril ng biktima at tumama sa kanyang tiyan.

Agad dinala sa ospital ng mga kaanak ang biktima, subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Paniwala ng pulisya, posibleng sumabit sa pantalon ang gatilyo ng baril habang ito ay hinuhugot, kaya ito pumutok.

Sa kuha ng CCTV footage sa kanilang bahay, makikitang mag-isa lamang si Agustin nang mangyari ang insidente. Ang kanyang anak ay nasa paaralan at ang asawa ay wala sa bahay.
/ Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here