MANILA, Philippines – Arestado ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) ang tatlong high value individuals (HVI) na nakumpiskahan ng kabuuang 200 gramo ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City, Lunes ng gabi, Hulyo 7.
Kinilala ni SPD Director P/Brig. Gen. Randy Arceo ang mga nadakip na suspek na sina alyas Tol, 25; alyas Gertrics, 34; at isang alyas Samad, 38.







