Home METRO Trak ng basura bumangga sa bahay, drayber utas

Trak ng basura bumangga sa bahay, drayber utas

277
0

Binangonan, Rizal — Agad binawian ng buhay ang isang garbage truck driver matapos mawalan ng preno ang kanyang minamanehong dump truck at sumagasa sa isang traysikel at isang bahay sa Barangay Darangan, Binangonan, Rizal.

Ang driver ng Isuzu dump truck na agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng aksidente ay nakilalang si Cholan Binala y Fernandez, 43 anyos, residente ng Binangonan, Rizal.

Sira naman ang Kawasaki tricycle na pag-aari ni Jose Evillio Merino y Roque, 59 anyos, ng naturang ding lugar, at nawasak din ang isang bahay na pag-aari ni Marlon Aragon y Dela Cruz, 41 anyos, residente rin ng Binangonan, Rizal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Binangonan PNP, dakong 4:30 p.m. kanina, Hulyo 8, 2025, bumabagtas ang dump truck na minamaneho ni Fernandez sa Mabuhay Homes, pababa ng Quarry, Brgy. Darangan, Binangonan, Rizal, nang bigla itong rumagasa.

Nahagip nito ang nakaparadang traysikel sa tabi ng kalsada bago ito tuluyang bumangga sa bahay, na ikinasawi ng driver na si Fernandez.

Ipinalalagay ng mga awtoridad na nawalan ng preno ang dump truck kaya bigla na lamang itong rumagasa, habang hindi pa matukoy kung magkano ang halaga ng pinsala. (Maritess Pumaras)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here