Home NATIONWIDE Pro-POGO ordinances aamyendahan ng Cebu City council

Pro-POGO ordinances aamyendahan ng Cebu City council

231
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Cebu City Vice Mayor Tomas Osmeña nitong Martes, Hulyo 8 na aamyendahan ng konseho ang mga ordinansa at resolusyon na pumapabor sa Philippine offshore gaming operators (POGO) sa lungsod.

Matatandaan na ipinagbawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong nakaraang taon ang operasyon ng POGO sa bansa matapos ang congressional hearings sa mga krimen na konektado rito.

Kasabay ng inaugural session ng lungsod, sinabi ni Osmeña na mayroong pitong ordinansa ang may kaugnayan sa pag-apruba ng POGO-like operations sa lungsod.

Batay sa rekord mula sa Sangguniang Panlungsod secretariat, ang mga ordinansang ito ay tumutukoy sa Letter of No Objection (LONO) na inaprubahan ng konseho mula noong 2019

Karamihan sa LONOs ay ang pag-apruba sa mga kompanya na may Chinese name na mag-operate bilang sports betting at entertainment facility o bilang Business Process Outsourcing (BPO) company.

Binanggit din ni Osmeña ang pribatisasyon ng Carbon Market at sinabing ang private partner ng lungsod “must go.”

“The privatization of Carbon is a betrayal of the government support for the poor,” ani Osmeña.

Idinagdag pa na ang lahat ng iba pang inaprubahang ordinansa na may kaugnayan sa Carbon Market, katulad ng pag-amyenda sa
market code at approved zoning ordinance, ay muling bibisitahin ng konseho. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here