Home NATIONWIDE Ibinugang sulfur dioxide ng Kanlaon bumaba

Ibinugang sulfur dioxide ng Kanlaon bumaba

217
0

MANILA, Philippines – Nagbuga ng 1,339 tons ng sulfur dioxide ang Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 na oras.

Mas mababa ito sa 1,527 tons na naitala sa nakalipas na araw.

Sa 24-hour monitoring report, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala ang Kanlaon ng apat na volcanic earthquakes, o kaparehong bilang naman sa naitala nitong Martes.

Nananatili ang Alert Level 3 sa bulkan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here