Home METRO Wanted sa pagpatay, timbog sa Malabon

Wanted sa pagpatay, timbog sa Malabon

247
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang construction worker na wanted sa kaso ng pagpatay sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, Martes ng madaling ng araw, Hulyo 8.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, sinabi ni Malabon Police OIC chief P/Col. Allan Umipig na pinaigting nila ang pagtugis sa mga wanted person sa lungsod, kabilang si alyas “Totoy Magic”, 32, na nakatala bilang No. 1 Top Most Wanted Person sa NPD, ganun din sa Malabon CPS.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon police na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar, agad nilang ikinasa ang operation laban kay alyas Totoy Magic.

Dakong alas-2:10 ng hapon nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng WSS ang akusado sa kanilang lugar sa Sitio 6, Barangay, Catmon, ng lungsod.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang bitbitin siya ng mga tauhan ng WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 169, noong April 11, 2025, para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here