Home NATIONWIDE Higit 10K inmates nakatapos ng basic education sa piitan sa pamamagitan ng...

Higit 10K inmates nakatapos ng basic education sa piitan sa pamamagitan ng ALS

254
0

MANILA, Philippines – Mahigit 10,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang nakakumpleto ng elementary at high school education habang nasa piitan, sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa pahayag, sinabi ng DILG na 10,739 PDLs ang nakatapos ng kanilang basic education sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education, isang parallel education program sa bansa na nag-aalok ng practical alternative para sa traditional classroom-based learning.

Ang inisyatibong ito ay ipinatupad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nakinabang din ang mga PDL na nag-enroll sa ilalim ng ALS sa Time Allowance for Studying, Teaching, and Mentoring ayon sa Republic Act No. 10592.

Kinikilala ng batas ang pagsisikap ng mga inmate na mapabuti ang kanilang mga sarili.

Dagdag pa, 107 PDLs ang nakakuha ng kanilang college degrees sa pamamagitan ng Tertiary Education Behind Bars Program, isang joint initiative kasama ang Commission on Higher Education.

Dagdag na 720 PDLs ang kasalukuyang naka-enroll sa iba’t ibang degree programs. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here