MANILA, Philippines – Tumaas ang employment level sa bansa base na rin sa bagong Labor Force Survey na ikinatuwa naman ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito ay inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ng labor department ang matapat na pagpapatupad ng mga programa para sa job generation at job preservation, ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma.
Sinabi ng kalihim na katuwang ng DOLE ang pribadong sektor, ibang ahensya ng pamahalaan, at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa layuning mapanatili at lalo pang itaas ang employment rate sa bansa.
Magpapatuloy din aniya ang mga job fair sa ibat-ibang lugar sa tulong ng mga kampanya at business organizations.
Ang mga wala pang trabaho ay hinimok din na huwag mag-atubiling lumapit sa mga tanggapan ng DOLE para sa tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden