Home METRO Taxi driver patay sa love triangle sa Cebu

Taxi driver patay sa love triangle sa Cebu

261
0

MANILA, Philippines – Nakatutok na ang mga imbestigador sa love triangle bilang posibleng motibo sa pagpatay sa 47-anyos na taxi driver sa Sitio Ka-Isko sa Brgy. Mactan, Lapu-Lapu City noong nakaraang linggo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Christian Torres, spokesperson ng Lapu-Lapu City Police Office (LCPO), napag-alaman nila na ang biktima na kinilalang si Johnny Burdas, ay may relasyon sa isang estudyante.

Si Burdas, residente ng Brgy. Bankal ay natagpuang may tama ng bala ng baril sa kanyang katawan sa unit nito na nakaparada sa liblib na lugar sa Sitio Ka-Isko sa Brgy. Mactan noong Hulyo 2.

Narekober ng mga awtoridad ang dalawang cartridge ng baril sa loob ng taxi at butas ng tama ng bala sa bintana malapit sa driver’s seat.

Unang ikinonsidera ng Lapu-Lapu City Police ang motibo ng pagpatay bilang pagnanakaw matapos na mapag-alamang nawala ang cellular phone at wallet ng biktima.

Nitong Miyerkules, sinabi ni Torres na tinitingnan na rin nila ang posibilidad na love triangle ang sanhi ng pagpatay matapos na madiskubreng may karelasyon itong estudyante at pinapaaral ito.

Aniya, posibleng may nagalit nang malaman ang relasyon ng dalawa.

Batay sa mga ebidensya, sinabi ni Torres na natukoy na nila ang person of interest sa pagpatay kay Burdas.

Sa kabila nito, aminado ang pulisya na kailangan pa nilang mangalap ng karagdagang ebidensya para suportahan ang paghahain ng reklamo laban sa POI.

Humingi na ng tulong ang LCPO sa PNP Cybercrime Unit para buksan ang Facebook messenger nito nang hindi na ma-access ng pamilya nito ang kanyang account.

Humingi na rin ng tulong ang mga awtoridad sa ride-hailing app kung saan ito nagtatrabaho upang matukoy kung sino ang mga nag-book dito bago natagpuan ang bangkay ng biktima. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here