Home NATIONWIDE FPRRD humiling, i-cremate ‘pag namatay sa The Hague

FPRRD humiling, i-cremate ‘pag namatay sa The Hague

272
0

MANILA, Philippines – Humiling si dating Pangulong Rodrigo Duterte na i-cremate na lamang siya sakaling pumanaw habang naka-detain sa The Hague, Netherlands, ayon sa anak nitong si Vice President Sara Duterte.

Si VP Sara ay kasalukuyang nasa The Netherlands ngayon para bisitahin ang kanyang ama.

“Sabi niya, kung mamatay daw siya dito sa Netherlands, ‘wag na daw iuwi ‘yung kanyang katawan sa Pilipinas. Ipa-cremate lang daw siya dito, ‘yung ashes na lang daw ang iuwi,” sinabi ni Duterte sa isang panayam.

“And then, sabi ko, i-discuss na lang natin sa susunod kasi hindi ako pro-cremation… Tapos siya, pro-cremation siya,” dagdag pa niya.

Nang tanungin naman kung ano ang nararamdaman niya sa sinabi ng dating Pangulo, sinabi ni VP Sara na ito ay natural lamang para sa isang 80-anyos na mag-isip ng ganito.

“Mabuti na rin ‘yun na alam natin lahat kung ano ‘yung kanyang last wishes para magagawa ‘yun kapag nangyari.”

Nauna nang sinabi ni VP Sara na pumayat si dating Pangulong Duterte.

Inaresto ito noong Marso 11 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC).

Siya ay kasalukuyang naka-detain sa Scheveningen Prison sa The Hague para sa reklamong crimes against humanity para sa extrajudicial killings sa panahon ng kanyang administrasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here